Home NATIONWIDE Resupply missions sa WPS, patuloy na pangangasiwaan ng Pilipinas – NSC

Resupply missions sa WPS, patuloy na pangangasiwaan ng Pilipinas – NSC

101
0

MANILA, Philippines – MANANATILING nasa operasyon ng Pilipinas ang resupply missions sa mga tropa na nasa pinagtatalunang West Philippine Sea.

Ito ang inihayag ng National Security Council (NSC) matapos mangako ang Washington na “to do what is necessary” para suportahan ang mga ito.

“As far as the RORE (rotation and resupply mission) is concerned, we’re keeping it as a purely Philippine operation utilizing Philippine ships, personnel and leadership,” ang sinabi ni National Security Council spokesman assistant director general Jonathan Malaya.

“That may change depending on the guidance from top management but that’s the direction or policy at present,” aniya pa rin.

Sabi pa rin ni Malaya na ang rotation and resupply mission (RORE) ay operasyon ng Pilipinas gamit ang sariling barko at mga tauhan at walang tulong ng ibang dayuhang bansa.

Magbabago lang aniya ang kanilang posisyon kung maglalabas ng panibagong utos ang nakakataas sa kanila.

Nagagalak umano ang NSC sa pag-aalok ng tulong ng Amerika kaya naman patuloy ang kanilang linya ng komunikasyon sakaling may pagbabago sa polisiya.

Matatandaang ilang beses nang hinaharang ng China ang RORE mission ng Pilipinas sa BRP Sierra Madre, ang pinakamarahas ay noong Hunyo 17 kung saan ilang sundalo ang nasugatan, isa ay naputulan ng daliri sa ginawang pagbangga ng lantsa ng China sa inflatable boat ng Philippine Navy.

Ang Pilipinas ay may Mutual Defense Treaty sa Amerika at kasama sa binanggit ni Sullivan na kasama sa ipagtatanggol ng US ay ang BRP Sierra Madre. Kris Jose

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here