Home METRO Retired army basag-bungo sa kawatan

Retired army basag-bungo sa kawatan

KORONADAL CITY-BASAG ang bungo at naliligo sa sariling dugo ng matagpuan sa loob ng kanyang bahay ang isang retiradong sundalo matapos pagnakawan ng umano’y panday, iniulat nitong Huwebes sa lungsod na ito.

Kinilala ang biktimang si ret. Army Rogelio Vinson, 63-anyos, at residente ng Cabral Village, Prk. Marcos, Barangay Rotonda, Koronadal City.

Sa paunang imbestigasyon ng pulisya, bandang 12:00 ng hatinggabi, nakarinig ng ingay ang kapitbahay ng biktima.

Kinaumagahan, nakita na lamang nila ang biktima na nakahandusay, naliligo sa sariling dugo at basag ang ulo na posibleng pinalo ito ng tubo.

Nadiskubre ng mga awtoridad na nawawala ang P15,000 at Honda Click motorcycle na biktima.

Nabatid na nagpapagawa ng kanyang ang biktima at tanging ang panday nito ang persons of interest na ngayon ay nasa kustodiya ng Koronadal City police Station at isinailalim sa masusing interogasyon./Mary Anne Sapico

Previous articleWembanyama, Spurs panalo vs Nets sa OT
Next articleSean Chambers bagong head coach ng FEU