MANILA, Philippines- Isinasapinal na ng Supreme Court ang mga magiging pagbabago sa Rules of Civil Procedure para makatugon sa makabagong teknolohiya.
Tinapos na ng SC ang ika-lima at pinal na regional consultation sa De La Salle University nitong November 8 kaugnay sa Rules of Criminal Procedure.
Sinabi ni SC Chief Justice Alexander Gesmundo, chairman ng Sub-Committee for the Revision of the Rules of Civil Procedure, inaasikaso na ng hudikatura ang puwang sa pagitan ng technological advancements sa kasalukuyang court processes upang mapaganda ang daloy ng hustisya.
Ang amendments sa Rules of Civil Procedure ay bahagi ng Strategic Plan for Judicial Innovations 2022-2027 ng SC.
Ang gagawing rebisyon ay para mabawasan ang mga hadlang sa court access, mabawasan ang gastusin at mga delay sa judicial processes at matiyak na agad makakatugon ang mga korte sa pangangailangan ng publiko.
Kabilang sa mga gagawing pagbabago sa Rules of Civil Procedure ay pagtanggal sa mga lumang remedies at concepts gaya ng declaration of default and bill of particulars.
Layon din ng amendments na mapadali ang appellate procedures sa pamamagitan ng pagtangal ng appeals sa ilalim ng Rule 42 upang maituring na final and executory na ang mga desisyon ng second-level courts.
Target din ng proposed amendment na magpataw ng mas mahigpit na deadline gaya ng summary hearings na dapat matapos sa loob ng dalawang araw at ang pre-trial proper na dapat matapos sa loob ng isang buwan. Teresa Tavares