Home OPINION REVISED IRR NG OSH LAW, IPATUTUPAD NA

REVISED IRR NG OSH LAW, IPATUTUPAD NA

170
0

HANDA na ang Department of Labor and Employment sa pagpapatupad ng revised implementing rules and regulations ng Republic Act 11058 o An Act Strengthening Compliance With Occupational Safety and Health Standards and Providing Penalties for Violations Thereof na pinirmahan ni Labor secretary Bienvenido Laguesma noong April 28, 2025.

Magiging epektibo ang department order No. 252, series of 2025 bukas, May 16, 2025. Papalitan nito ang ipinairal na department order 198 series of 2018 na ipinatupad naman noong January 2019.

May 10 chapters at 50 sections ang bagong IRR at napakahalagang maunawaan ito ng mga employer. Ilan sa mga pagbabago ay ang pagkakaroon ng karagdagang listahan ng mga high risk establishment, pagbibigay ng basic occupational safety and health training para sa safety officer ng micro-establishment sa ilalim ng DOLE Technical and Advisory Visit Program, pagsasagawa ng mandatory 8-hour BOSH training para sa safety officer 1, pagbibigay ng listahan ng duties and responsibilities ng mga occupational health personnel, OSH standards para sa iba’t-ibang establishment, penalties for violations at iba pa.

Kulang ang pahinang ito para ating isiwalat ang kabuuan ng bagong regulasyon. May naulinigan tayong ibang reaksyon mula sa ilang employer at safety professional na nasanay na sa pagsunod at pagpapatupad ng dating panuntunan. Huwag lang sana nating kalilimutan na ito ay maingat na pinag-aralan at pinag-usapan ng kagawaran katuwang ang technical working group base sa mga taunang report at datos ng OSH performance, best practices, praktikalidad at iba pang parameter.

Positibo man o hindi ang pananaw, kailangan nating sumunod sa bagong regulasyon na wala namang ibang interes kundi sagipin ang ating mga manggagawa mula sa mga panganib ng aksidente o sakit sa kanilang working environment.

Mas dapat pagtuunan ng pansin ng employer ang pag-intindi o pag-unawa sa bawat detalyeng nakasaad sa bagong IRR. Kumunsulta sa OSH professional o makipag-ugnayan sa pinakamalapit na regional office ng kagawaran upang maka-attend ng roll out/onboarding seminar at magtanong para maiwasan ang anomang kalituhan.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here