Home OPINION SI ‘UNCLE SAM’ AT SI DIGONG ANG ‘PANALO’ SA HALALAN

SI ‘UNCLE SAM’ AT SI DIGONG ANG ‘PANALO’ SA HALALAN

SA naging resulta ng halalan noong Lunes, hindi maling sabihin na ang ‘Tadong Unidos o si ‘Uncle Sam’ at kampo ni ex-President Digong ang “kuntento” sa naging resulta.

Para sa mga Kano, pabor sa kanilang interes na patuloy na nasa sirkulo ng kapangyarihan ang kanyang mga bataan sa kampo ng Dilawan, si Bam Aquino at Kiko Pangilinan na ang panalo ay hindi lang kagulat-gulat bagkus, dapat din pagdudahan sa simpleng tanong na “saan” sila kumuhang boto, aber?

Pero, andyan na ang resulta at asahan ang gagawing ‘pag-buildup’ dito kay Bam at sa Partido Dilawan (Liberal Party) ng mga galamay ng United States Embassy sa hanay ng media upang “pabanguhin” ang kanyang pangalan.

Siya kasi ang nakikita natin bilang ‘Manchurian Candidate’ ng Imperyalismong US sa 2028 presidential election. Si PNoy at Leni noon, si Bam naman ngayon.

Naging malinaw din na may “anghang” pa rin si dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga Pinoy, patunay ang pagkatalo sa eleksyon ng mga kandidatong nagsawabatan laban kay Vice President Sara sa ‘Quadcomm’ ng Kongreso noong isang taon.

Apat lang din sa ‘administration candidates’ ang “nakalusot” at ‘Number One’ si Sen. Bong Go bilang senador. Eh siyempre, ang boto kay SBG, boto ‘yun kay FPRRD.

‘Landslide victory’ din si Pang. Rody bilang mayor (ulit) ng Davao City kung saan “naghilamos ng alikabok” ang kanyang kalaban at ‘alter ego’ ng Palasyo na si ex-Cabinet member Karlo Nograles.

Isa rin sa malinaw na mensahe ng resulta ng katatapos na halalan ay sadyang Si VP Sara pa rin ang ‘candidate to beat’ sa botohan tatlong taon mula ngayon.

Translation? Huwag magtaka kung “Hudasin” ng mga senador ang Palasyo at ibasura ang impeachment ni VP Inday!

Abangan!