Home OPINION DESTAB KUNO

DESTAB KUNO

3
0

LAHAT tayo ay gustong malaman ang katotohanan ng mga kwento tungkol sa flood control scandal–ang pinakamalaking pandarambong sa pondo ng bayan.

Noong nakaraang June 4, kitang-kita ng madla na tinangkang pigilan ang 18 dating sundalo na makapasok sa Senado upang hindi makapagkwento sa Cayetano-Marcoleta led Blue Ribbon committee hearing.

Nakuhanan ng video si Interior Secretary Jonvic Remulla na itinutulak pabalik sina Sen. Robin Padilla at Sen. Pia Cayetano na kasama ng 18 brave witnesses. Nang maglaon, sinabi ng kalihim na siya ay nasubsob lang matapos maitulak ng karamihan ng tao. Pero lumabas na siya ay nagsisinungaling.

Wala ring mga kawani ng komite ng Blue Ribbon na pinayagang magsilbi sa pagdinig. Sinadyang isabotahe ang hearing.

Ngunit nabigo ang lahat ng pagsisikap na pigilan ang testimonya ng mga dating sundalo. Sumasabog ang kanilang mga patotoo. Nakahihimutok, nakagagalit dahil garapal na pinaghati-hatian ng mga buwayang opisyal ng gobyerno at politiko ang pera ng bayan.

At bilang damage control, gumawa ang paksyon ni Sen. Win Gatchalian ng sariling pagdinig ng “Blue Ribbon committee” ni Sen. Erwin Tulfo. Isang resource person lang ang humarap–ang hepe ng NBI na ginugol ang lahat ng oras para wasakin ang salaysay ng mga dating sundalo.

Siniraan nila ang pagkatao at pinalabas na sinungaling ang 18 ex-soldiers. Mga palpak daw sila, mga kargador lang at walang dangal kaya hindi dapat paniwalaan.

Nang malaman na dumating ang mga dating sundalo sa Senado, muli silang pinigil na makapasok. Saka biglang pinalabas na hindi sila nagsasagawa ng hearing kundi isa lamang meeting.

Kasunod nito, naglabas ng masamang balita si Gatchalian. May “destab plot” daw sa gusali ng Senado. Iniutos niya sa lahat ng empleyado na huwag muna pumasok, hanggang wala siyang abiso, para umano sa kanilang kaligtasan.

Ngunit alam ng marami na ang “destab plot” sa Senado ay pinalutang para walang pumasok na kawani at isara ang Senado.

Opkors ang unang apektado ng “destab plot” kuno ay ang ikalawang yugto sana ng pagdinig ng Blue Ribbon committee ng Cayetano faction, lalo’t may mga bago pang testigo na handang lumabas.

Ibig sabihin, sinadya ang “pakulong” ito ng grupo ni Gatchalian para mapigilan sa anomang paraan ang muling pagpapasabog ng mga dating Marines. Halatang may mga takot na takot. Nanginginig na marinig sa mga sundalo ang marami pang katotohanan.

At ang katotohanan: Kahit ano pang gawing pagtatakip, alam na ng publiko kung sino-sino ang nagkamal sa daan-daang bilyong ninakaw na pampublikong pondo.

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here