Home OPINION KALAYAAN SA ARAW NG KALAYAAN

KALAYAAN SA ARAW NG KALAYAAN

1
0

HUNYO 12 ngayon at araw ng pambansang kalayaan sa mahal kong Pinas.

Sa totoo lang, hindi lang ang Palasyo ang maggugunita sa napakahalagang okasyon na isa sa mga pinakamahalagang bahagi ng ating kasaysayan.

Maging Kongreso at Hudikatura, magwawagayway rin ng kaukulang bandila hindi lang sa kanilang mga opisina kundi maging sa mga sasakyan gamit nila.

Lahat din ng mga local government unit, gugunitain ang pambansang kalayaan na pinasimulan noong Hunyo 12, 1898 sa tahanan mismo nina dating Pangulong General Emilio Aguinaldo sa Kawit, Cavite.

Iwinagayway ang bandilang Pinoy mismo ni Aguinaldo laban sa Espanya na mahigit 300 daang taong nangolonya sa atin.

HALAGA NG KALAYAAN

Noon ngang pinutol ng mga rebolusyonaryong Katipunero ang paghahari ng malulupit, ganid at mapagsamantalang Kastila, kasama ang mga prayle o pari o madre, ramdam na ramdam ang kalayaan ng ating mga ninuno.

Ngunit sadyang wais ang mga kolonyalista sa pagbebenta ng Pinas sa mga Amerikano na kaagad ding sumakop sa atin sa bisa rin ng pekeng Battle of Manila Bay sa pagitan ng mga Kastila at Amerikano.

Nagkaroon naman kaagad ng rebolusyon laban sa mga Amerikano ngunit natapos ito noong 1913 at kabilang sa mga nagrebolusyon ang mga kapatid na Muslim.

Sa kalaunan, muli tayong sinakop ng mga dayuhan at hanggang ngayon, pinakikialaman tayo ng mga Amerikano.

Halimbawa, sila ang nagtayo kay dating Pangulong Ferdinand Marcos na nagtayo ng martial law noon at sila rin ang tumapos sa kanya.

Sa pagtatayo nila ng EDCA sa iba’t ibang bahagi ng bansa, palatandaan ito ng paghawak nila sa ating bansa na pupwede nilang idamay sa posibleng giyera nila sa China kaugnay ng agawan sa Taiwan.

Marami rin ang naniniwalang hindi imposibleng may kamay ang mga Amerikano sa pagpili ng mga dapat mamuno sa bansa, magkagulo man tayo o hindi ngayon.

PAMBANSANG KALAYAAN, NASAAN?

Dahil nga sa pakikialam ng mga dayuhan sa bansa, lalo na sa paghawak sa pamahalaan at ekonomiya, tunay nga ba tayong malaya bilang isang bayan?

Aminin man o hindi ng ating mga opisyal, malaki ang papel mga Amerikano sa paghawak sa ating pamahalaan.

Malaki ang paniniwalang walang tatayong Pangulo ng Pilipinas na walang basbas ang mga Amerikano ngunit higit dito, walang tatayong Pangulo na hindi susunod sa kagustuhan ng mga Amerikano.

Naging malinaw naman ang pagkakadena ng mga Amerikano sa ating ekonomiya nang magkaroon ng krisis sa langis.

Tingnan na lang ninyo ang ginawa ng ating pamahalaan nang maghanap tayo ng langis sa ibang mga bansa.

Humingi pa ito ng permiso ng mga Amerikano.

Nakatali rin ang ating piso sa dolyar at kung makipagkalakalan tayo sa ibang mga bansa, dapat dolyar ang gamitin.

Kahit magkandaloko-loko ang palitan ng piso at dolyar, gaya ng pagbagsak ng halaga ng ating piso laban sa dolyar na isang malaking dahilan ng krisis pang-ekonomiya natin, hindi tayo pupwedeng gumamit ng ibang salapi sa pandaigdigang kalakalan.

Kung ginagagamit na halimbawa ang yen ng China sa kalakalan sa mga Arabong bansang oil producer sa Middle East, bawal tayong gumamit nito at maging ang piso, bawal din.

Tanong: Tunay nga ba tayong Malaya bilang isang Bayan?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here