DAVAO- Mariing pinabulaanan ng pamunuan ng Davao Davao City Police Office (DCPO) ang pagpapatupad ng reward system sa drug war.
Sa pahayag ni DCPO spokesperson Police Captain Hazel Tuazon, walang alam ang “Davao model” na ginamit sa nationwide anti-illegal drugs campaign ng administrasyong Duterte.
Aniya, hindi sila nagpapatupad ng reward o quota system para sa pagpatay sa mga drug suspect sa mga operasyon.
Sinabi pa ni Tuazon, tuloy-tuloy ang ginagawa nilang pulong, conference sa station commanders para lalo pang pagbutihin ang mga operasyon para maging positibo matagumpay ang resulta.
“The DCPO would be part of the solution. We would not be part of the problem or accusations being thrown at the DCPO. Not only in the DCPO, but also under the PNP organization, our police would remain loyal to the DCPO, strong, and not affected,” ani Tuazon.
Matatandaang sinabi ni retired police officer at Philippine Charity Sweepstakes Office general Royina Garma, na mayroong sistema ng pagbabayad at pabuya para sa pagpatay sa mga drug suspect na hiniling sa kanya ni Duterte na maghanap ng isang opisyal na magpapatupad ng “modelo ng Davao” ng war on drugs sa bansa.
Ang dating PRRD ay matagal na nanungkulan bilang alkalde ng Davao City at nanalo bilang presidente ng bansa 2016. Muli siyang tatakbo sa pagka-mayor ng Davao sa darating na 2025 elections. Mary Anne Sapico