Home SPORTS Reyes Cup susungkitin ng Team Asia

Reyes Cup susungkitin ng Team Asia

325
0

NAGPAKITANG-GILAS agad ang Team Asia sa pagbubukas ng Reyes Cup 2025 matapos nitong tambakan ang Team Rest of the World sa iskor na 4-0 sa unang araw ng torneo na ginanap sa Ninoy Aquino Stadium.

Tangan ang kumpiyansa at determinasyong depensahan ang korona, walang ipinakitang pag-aalinlangan ang koponan sa kanilang paghahabol sa panibagong kampeonato sa race-to-11 event na ito.

Pinangunahan ni Carlo Biado, reigning world champion, ang panalo matapos samantalahin ang mintis ni Francisco Sanchez Ruiz sa 8-ball bago tinapos ang laban sa 5-1.

Sinundan pa ito ng kanyang 5-3 panalo laban kay Moritz Neuhausen sa singles match.

Bagaman nagkaroon ng tatlong dry breaks si Biado, nagawa pa rin niyang makabawi at tapusin ang laban sa pamamagitan ng 1-9 combo matapos magmintis ang kalaban sa safety battle.

Hindi rin nagpahuli sina Aloysius Yapp at AJ Manas, na nagtala ng 5-2 panalo laban kina Sanchez Ruiz at Jayson Shaw, habang sina Johann Chua at Duong Quoc Hoang ang tumapos sa araw sa 5-4 tagumpay laban kina Fedor Gorst at Skylar Woodward.GP

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here