Home ENTERTAINMENT Rez, may ibinuko kay Ricky!

Rez, may ibinuko kay Ricky!

Manila, Philippines- Dumating sina Megastar Sharon Cuneta, Dingdong Dantes at Cesar Montano sa burol ng pumanaw na aktor-direktor na si Ricky Davao sa The Heritage Park.

Ang misis ni Ricky na si Jackie Lou Blanco ang punung-abala sa pagaasikaso sa nakikiramay na celebrity friends nila sa wake.

Pero andoon din ang mga anak nina Jackie at Ricky na sina Arabela at Rikki Mae. At ang kapatid ni Ricky na si Mai-Mai Davao na nakausap namin that night.

Panay ang iyak ni Jackie Lou sa wake. Pansin na pansin yan ng younger brother ni Jackie Lou na si Ramon Christopher.

Mukhang mas emosyunal si Jackie sa pagpanaw ni Ricky kesa sa kanyang ina na si Pilita Corrales.

Hindi siguro talaga inasahan ni Jackie na mawawala agad si Ricky.

May tsika nga na kaya raw ‘di nila pina-annull ang kanilang kasal ay umaasa si Jackie na babalikan pa rin siya ni Ricky.

Present din ang almost all na mga kaibigan ni Ricky sa showbiz.

Ni-reveal ni Irma Adlawan na niligawan pala siya noon ni Ricky nu’ng nasa teatro pa lang ang aktres. At si Ricky din ang tumulong sa kanya na makagawa ng pelikula.

Revealing din ang mga sinabi ni president and CEO ng Mowelfund ngayon na si Rez Cortez nu’ng ikwento niya na dinala niya si Ricky sa club na may mga babaeng paupahan.

Esplika ni Rez, “Hindi kasi, masyado nang seryoso. Para meron namang comedy kaya ko kinuwento yun. Hindi naman santo si Ricky, e. May pagka-naughty din. Pero walang masamang tinapay. Wala kang marinig na siniraan na ibang tao.” Julie Bonifacio