Home ENTERTAINMENT Rhian, nagpa-botox!

Rhian, nagpa-botox!

Manila, Philippines- Vanity got the better of Rhian Ramos.

Hindi nangiming aminin ng Kapuso actress na hate niyang magkaroon ng wrinkles.

Sign nga naman ‘yon ng stress at nagkakaedad na.

Paano ba naman kasi, laging galit ang character niya sa Encantadia Chronicles, ang fantaserye ng GMA.

Eh, dalawang taon ba namang galit si Rhian dahil sa kanyang role bilang Mitena.

Napansin na lang niya na pag humaba pa ang taping nito’y tiyak na tutubuan na siya ng peleges.

At para nga naman maiwasang magka-wrinkles siya, hayun, the moment taping wrapped up ay nagpa-botox siya!

Aniya, she wanted to look fresh.

She wanted to pamper herself with a refreshing massage.

Rhian resorted to rejuvenating rituals para bumawi sa dalawang taong puro galit ang alam niyang i-emote.

Banidosa na kung banidosa, pero kilalang maalaga si Rhian sa katawan.

Eh, pag hindi niya aalagaan ito, aba, ang dami yatang nakaabang na babae sa nobyo niyang si Sam Versoza.

Siya rin! Lol! Ronnie Carrasco III