Manila, Philippines – May nag-spill the tea na hiwalay na ang magdyowang Ricci Rivero at konsehala Leren Bautista ng Los Banos, Laguna.
Natsitsika kasing matagal nang nagkalabuan ang dalawa.
Isa sa naging basehan ay dahil wala na rin silang post sa social media na magkasama.
May katikatera namang nagtsika na may kinalaman daw sa hiwalayan nila ang kapuwa atleta ni Ricci.
Ito raw ay walang iba kundi ang dating DLSU Lady Spiker na si Erika Santos na tinanghal na most value player sa debut tournament niya sa Cignal HD Spikers sa 2025 PVL on Tour.
May nag-ispluk kasi na playing sweet music together daw sina Ricci at Erika.
Umani naman ito agad ng samu’t-saring reaksyon nang mapag-usapan ng mga tsismosang kapitbahay.
Ito ang ilan sa kanilang mga reaksyon.
“What??? Break na si Ricci ang yung gf nya?”
“Break na sila ni konsi??”
“January pa daw.”
“Secretive sila eh kaya nga nagtatanong ako.. Check their IG, wala na sila photos together. As for the new girl, even sa Volleyball Community mejo secretive din pero may alam ang mga players.”
“Matapos syang ipaglaba ni konsi. Dapat anniv gift dito washing machine or laundry station.”
“Sayang naman. Bagay sana sila.”
“Vindicated ba si Andrea?”
“True ba na si girl ang cause ng breakup?”
“Feeling ko, mas magkakasundo sila ni Ricci kasi pareho sila ng mundo.”
Bukas naman ang pahinang ito sa panig nina Ricci at Leren hinggil sa isyu. Archie Liao