Home NATIONWIDE Rice duty rate reduction aprub sa NEDA

Rice duty rate reduction aprub sa NEDA

MANILA, Philippines – Inaprubahan ng National Economic and Development Authority (NEDA) nitong Martes, Hunyo 4 ang pagbawas sa duty rate sa bigas sa 15% para sa in-quota at out-quota rates hanggang 2028, sinabi ni Secretary Arsenio Balisacan.

“This decision aims to lower the price of rice further and make it more affordable,” sinabi ni Balisacan sa press conference sa Malakanyang, sabay-sabing ang bigas ay nag-ambag sa 2 percentage points o mahigit 50% sa headline inflation sa pinakahuling inflation report ng
Philippine Statistics Authority sa nakalipas na tatlong buwan.

“Reducing rice tariffs is expected to bring down rice prices for consumers while supporting domestic production through tariff cover and increased budgetary support to improve agricultural productivity, especially as global rice prices remain elevated,” dagdag pa niya.

Nang tanungin kung magkano ang magiging presyo ng bigas dahil sa tariff reduction, sinabi ng NEDA chief na tinatarget ng pamahalaan ang P29 kada kilo na bigas para sa mga mahihirap.

“The Department of Agriculture is aiming for a reduction of P29 per kilo at least for the poor because we will complement this tariff reduction with the direct subsidies to the poor and vulnerable that at least they could access the food at P29 per kilo, but overall, with the tariff reduction from 35 to 15%, everybody will benefit from that,” paliwanag pa ni Balisacan. RNT/JGC