Home NATIONWIDE Rice trade, defense ties palalakasin ng PH, Cambodia

Rice trade, defense ties palalakasin ng PH, Cambodia

MELBOURNE, Australia- Nagkasundo sina Pangulong Ferdinand ”Bongbong” Marcos Jr. at Cambodian Prime Minister Hun Manet na palakasin ang rice trade sa pagitan ng Pilipinas at Cambodia.

Ayon sa Presidential Communications Office, nagkaroon ng bilateral meeting sina Marcos at Hun sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit kung saan nila tinalakay ang mga epekto ng double taxation at pagpapahusay sa ease of doing business.

Gayundin, pinag-usapan ng mga pinuno ang pagpapalawig ng flight connections para sa improved accessibility sa premier tourism destinations ng dalawang bansa.

Nagkasundo sina Marcos at Hun also na palakasin ang defense ties upang tugunan ang mutual security concerns.

Bukod sa Cambodia, magsasagawa rin si Marcos ng bilateral meeting sa New Zealand sa Martes. RNT/SA

Previous articleWalang nanalo sa major lotto draws – PCSO
Next article13 Vietnamese na sangkot sa ilegal na negosyo tiklo sa BI