MANILA, Philippines – Nagsalita na si Leyte Congressman Richard Gomez sa lumabas na viral video kung saan makikita ang naging pag-atake nito kay Philippine Fencing Association (PFA) President Rene Gacuma.
Ayon kay Gomez, hindi raw kasi pinalaro ni Gacuma ang Rank No. 1 na si Alexa Larrazabal dahil lang sa hindi ito sumama sa mga training.
Pinaratangan din nito si Gacuma na binu-bully si Larrazabal.
Nangyari ang insidente sa unang araw ng international fencing competition sa SEA Games 2025 sa Thailand.
Ang pananakit ay kasunod ng alitan sa pagitan nina Gacuma at Gomez matapos na palitan sa kompetisyon si Alexa Larrazabal na mula sa Ormoc City.
“When I extended my right hand to congratulate Mr. Gomez, he planted his right foot heavily on my left foot, to limit my mobility,” pahayag ni Gacuma.
“He squeezed my right thumb very hard like he wanted to dislocate it and simultaneously said, ‘Who gave you the authority to replace that athlete?! Na-take up ninyo ito sa Board Meeting in my presence?! P***ng ina mo Rene, g*go ka!’” dagdag pa niya.
Nakatakdang magsampa ng reklamo si Gacuma laban kay Gomez na kasalukuyang Director ng PFA at Second Vice President ng Philippine Olympic Committee (POC).
Magsasampa rin ng kaukulang reklamo si Gomez sa emotional bullying na ginawa ng mga direktor. RNT/JGC