Manila, Philippines- Noong magkahiwalay sina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati, maraming nagmaldita na ang itinuturong dahilan ay ang Kapamilya actress na si Barbie Imperial.
Sighted kasi sila sa ilang events kaya naman nagkaroon ng haka-haka na may nabuo nang romansa sa kanila.
Sa panayam naman ni Ogie Diaz sa kanyang vlog, natanong siya tungkol sa estado ng relasyon nila ni Barbie.
Tulad ng ibang artista, ‘what you see is what you get’ ang kanyang tinuran.
Katunayan, nagpaliwanag siya at ipinagtanggol niya si Barbie.
Nilinaw niya na nang dumating si Barbie sa buhay niya ay hiwalay na sila ni Sarah kaya hindi masasabing third party si Tisay.
“‘Doon muna tayo sa what you see is what you get sa amin ni Barbie. Ang gusto ko lang sigurong i-clarify doon sa mga tao, si Barbie walang kinalaman sa paghihiwalay namin ni Sarah. Hindi siya third party, hindi siya nag-overlap,” sey ni Richard.
“Nakilala ko si Barbie, matagal na kaming nagkahiwalay ng landas ni Sarah.
“Si Barbie kasi totoong tao. What you see is what you get talaga rin sa kanya. Mabuting tao, maalaga.
“Nakikita mo na genuine ‘yung intentions niya. Genuine ‘yung pagkatao niya.”
Hirit pa niya, gusto rin daw niyang magtira ng konti sa kanyang privacy kung ano man ang pinagsasaluhan nila ng aktres. Archie Liao