Home ENTERTAINMENT Ricky, may iniindang sakit?!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Ricky, may iniindang sakit?!December 15, 2024 07:45 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Panalangin ang hinihingi ni Cristy Fermin sa aktor-direktor na si Ricky Davao.Ito ang masidhing pakiusap ng batikang entertainment journalist sa kanyang radio program na CFM.Ito’y makaraang ibinahagi ni Cristy ang impormasyong natanggap mula sa isang mapagkakatiwalaang source.Diumano, may iniindang karamdaman si Ricky.Paglilinaw ni Cristy: “Ito’y ipinarating lang sa amin. Hindi ito nanggaling sa amin.”Mas mabuti daw na mismong kay Ricky magmula ang confession tungkol sa kanyang health condition, kundi man mula sa pamilya nito.Hindi naman nilinaw kung anong uri ng sakit ang iniinda ni Ricky.Gayunpaman, humihiling si Cristy ng taimtim na panalangin para bumuti ang kalagayan ng actor-director at malampasan ang sakit nito.Sa ngayon, wala pang pahayag mula sa kampo ni Ricky.When not doing movies, kadalasang nagdidirek ng mga serye sa telebisyon si Ricky.Mas madalas siyang inaalok ng mga directorial projects sa GMA.On a personal note, sa kabila ng paghihiwalay nila ni Jackie Lou Blanco ay nananatili silang magkaibigan, kundi man magkasama sa ilang proyekto.Ipagdasal natin ang pagbuti ng kalagayan ng isa sa mga pinagpipitaganang aktor ng kanyang henerasyon. Ronnie Carrasco III