Home ENTERTAINMENT Produ ng MMFF entry ni Vice, naaalarma!ENTERTAINMENTSHOWBIZTOP STORIES Produ ng MMFF entry ni Vice, naaalarma!December 15, 2024 07:30 FacebookTwitterPinterestWhatsApp Manila, Philippines – Sino ba namang producer ang hindi mawiwindang sa mga nangyayari sa MMFF entry na ipinagmamalaki pa mandin nila?Ang tinutukoy namin ay ang Star Cinema at IdeaFirst na mga katuwang sa pagpoprodyus ng entry ni Vice Ganda.Maganda pa naman ang publicity slant nito, being different from Vice Ganda’s festival entries in the past.Tatak-Jun Lana kasi.Ang kaso, nahaluan ng “katsipan” ang pelikula involving its cast members.Ang mga ito nga ay sina Maris Racal at Anthony Jennings.Ang na-play up tuloy ay ang pagtataksil ni Anthony at kawalan naman ng delicadeza ni Maris.Sa halip na pag-usapan ang highlights ng pelikula’y ang magdyowang ito stole the limelight from Vice Ganda.Obviously, this is not something the two producers are happy about, lalung-lalo na ang Star Cinema.Remember the Kim Chiu-Xian Lim movie na Past Tense many years ago?Hindi ba’t ibinunton ng mga Star Cinema bosses ang sisi kay Ai Ai de las Alas sa pagiging mild hit lang ng pelikula?Kasi raw ay mas napag-usapan pa ang nobyo ni Ai Ai na mas bata kesa sa kanya.Katwiran naman ng Comedy Queen, why put the blame on her, eh, hindi naman siya ang bida sa Past Tense kundi support lang?Base sa kasaysayang ito, balitang naaalarma lalo na ang Star Cinema sa kalalabasan sa takilya ng Vice Ganda entry.Consistent pa namang highest grossing ang entry ng TV host-comedienne.Mukhang masisilat sila ngayon!“50-50” on MMFF’s 50th year! Ronnie Carrasco III