MANILA, Philippines- Hinimok ng Civil Service Commission (CSC) ang mga skilled workers na mag- apply para sa eligibility para maging kwalipikado sa ilang posisyon sa gobyerno.
Sinabi ng CSC, ang mga karpintero, mga tubero at mga electrician, bukod sa iba pa ay maaaring mabigyan ng pagiging kwalipikado sa skills eligibility Category II nang hindi kumukuha ng written exam.
Ang CSC Memorandum Circular No. 11, s. 1996, inamyendahan ng MC No. 10, s. 2013 , ang nagsasaad na ang kwalipikasyon ng mga indibidwal ay hindi nasusukat sa written exams.
Maaari ring mag-apply para sa skills elgibility ang automotive mechanic, heavy equipment operator, laboratory technician, shrine curator at draftsman.
“Eligible individuals must have a ‘very satisfactory’ performance rating for one year under a temporary appointment,” ayon sa CSC.
“However, this eligibility is limited to specified roles and is not equivalent to Career Service Professional or Subprofessional eligibilities,” dagdag na CSC.
Kabilang sa mga application requirements ay ang “accomplished CS Form 101-G (Revised 2013); tatlong magkakaparehong identification photos (kinunan sa loob ng tatlong buwan); original at photocopy ng isang valid ID; Philippine Statistics Authority-issued birth certificate; marriage certificate (if applicable); appointment paper na nagpapakita ng “temporary” status; sertipikasyon ng “very satisfactory” rating (two periods, gamit ang CSC-Examination, Recruitment, and Placement Office [ERPO] Cat. II Form No. 1); statement ng actual duties and responsibilities (CSC-ERPO Cat. II Form No. 2); at authenticated performance rating form (kinumpirma ng Performance Evaluation Review Committee).”
Ang aplikasyon ay kailangang naihain isang linggo bago pa matapos ang one-year temporary appointment.
Samantala, sinabi ng CSC na pinapayagan lamang ang ‘late submissions’ kung ang aplikante ay nananatili sa parehong posisyon. Kris Jose