Home ENTERTAINMENT Hilda Koronel, magbabalik sa pelikula!

Hilda Koronel, magbabalik sa pelikula!

Manila, Philippines – Parami na nang parami ang followers sa Instagram ng multi-awarded actress na si Hilda Koronel.

Ibig sabihin nito, ang dami pa rin talagang fans  ni Hilda kahit matagal nang ‘di gumagawa ng pelikula.

And now, kilala na rin siya ng batang henerasyon.

Nakakaaliw ang mga naka-post sa Instagram  ni Hilda. Karamihan dito ay video clips ng mga classic films niya at old and recent photos nya.

Mahigit 20K na ang followers ni Hilda sa IG in a very short time na nag-start siya.

At may 71 people na pina-follow siya sa IG gaya ng  leading man niya na si Christopher de Leon, Bea Alonzo, Maricel Soriano, at iba pa.

Last movie na ginawa ni Hilda noon ay ang  “The Mistress” with Bea, ang yumaong Ronaldo Valdez at John Lloyd Cruz.

Good news sa mga fans ni Hilda dahil bumalik na sa Pilipinas ang aktres.

Dumating siya sa bansa noong December 10, ayon sa kanyang manager na si Shirley Kuan.

Agad-agad ay gagawa ng pelikula si Hilda under Idea First productiion na may titulong “Sisa” for next year. Julie Bonifacio