Home METRO Tricycle driver nasakote sa higit P400K ‘shabu’

Tricycle driver nasakote sa higit P400K ‘shabu’

LUCENA CITY- Naaresto ng mga pulis ang isang tricycle driver sa isang buy-bust operation sa lungsod na ito nitong Biyernes at nasabat ang mahigit P411,000 halaga ng shabu (crystal meth).

Sinabi ni Lucena City police chief Lieutenant Colonel Dennis de Guzman sa isang ulat nitong Sabado na isang alyas “Jigs/Donato,” 52, ang nadakip ng anti-illegal drugs operatives matapos magbenta ng P500 halaga ng shabu sa isang undercover police officer sa Barangay Ibabang Iyam bandang alas-5:51 ng hapon noong Biyernes.

Nakuhanan ang suspek ng limang plastic sachets na naglalaman ng shabu na may timbang na 20.16 gramo at estimated Dangerous Drugs Board value na P137,088.

Nagkakahalaga ang nasamsam na shabu ng P411,264 sa street market sa umiiral na presyong P20,400 kada gramo, batay sa ulat ng mga pulis.

Natukoy ang nasabing suspek na isang HVI o high-value individual sa local drug trade.

Kasalukuyang nakaditine ang suspek at mahaharap sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. RNT/SA