Manila, Philippines – Isang bagong online entertainment show ang dapat abangan ngayong taon dahil malapit nang ilunsad ang PinasSexy Challenge, isang exciting challenge series na magtatampok ng walong (8) kilalang social media personalities.
Kabilang sa mga tampok na influencers sina Vannesa Raval, Queen Money, DJ Justine Joyce Dayag, Trixie Escosis, Tei Escosis, Aki Mitu, Nikkie Millares, at Eunice Andrea, na haharap sa iba’t ibang masaya, exciting, at kakaibang challenges sa loob ng limang episodes.
Ayon kay direk Kristel Moreno, layunin ng PinasSexy Challenge na maghatid ng bagong klase ng digital entertainment na puno ng saya, kompetisyon, at mga hindi inaasahang tagpo na tiyak na magbibigay aliw sa mga manonood.
FYI, si Kristel ay pamangking buo ni Alma Moreno na dating nasa Sex Bomb dancer at naging Star Magic talent.
Ayon kay direk ay maraming sikat na A lister actors ang pumorma sa kanya pero marami rin ang tablado.
Sa kasalukuyan ay patuloy ang paghahanda ng production team para sa opisyal na paglulunsad ng programa.
Hinihikayat ang publiko na abangan ang mga susunod na anunsyo tungkol sa premiere at iba pang updates sa official social media pages ng PIinasSexy Challenge.
Sa tatlong seksing challengers na nakausap namin, sinabi nina Trixie at Aki na nahirapan sila sa challenge kung saan ay pinainom sila ng pinaghalo-halong sangkap na hindi nila alam kung ano.
Nahirapan din sila sa ice bucket challenge.
Sa mga boys naman na nagtatanong kung single sila or taken, si Trixie ay may ka-talking stage ngunit si Trixie naman ay single and available and ready to mingle.