Home METRO Rider na papasok sa trabaho, patay nang bumangga sa aso

Rider na papasok sa trabaho, patay nang bumangga sa aso

129
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang lalaki na papasok sana sa trabaho matapos maaksidente sakay ng kanyang motorsiklo dahil sa asong biglang tumawid sa kalsada sa Batangas City.

Ayon sa ulat, papasok na sana ang 39-anyos na lalaki nang mangyari ang aksidente sa Barangay Libjo, Batangas City.

Sa imbestigasyon, nawalan ng kontrol sa manibela ang rider nang mahagip ang tumawid na aso.

Tumilapon ang biktima sa kalsada.

“Siya po ay tumilapon kasama ang motor niya. Siya po ay naka-helmet, maayos ang pananamit, siya po ay papasok ng trabaho, so wala po siyang sign na under influence of liquor,” pahayag ni Police Lieutenant Sharen Ama, Chief of the Public Information Office ng Batangas Component City Police Station sa panayam ng GMA News.

Isinugod pa sa ospital ang biktima ngunit binawian din ng buhay sa tinamong pinsala sa katawan. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here