Home METRO Rider nagtangkang umiwas sa checkpoint; police vehicle sinagasaan!

Rider nagtangkang umiwas sa checkpoint; police vehicle sinagasaan!

MANILA, Philippines- Binangga ng isang motorcycle rider ang likod ng sasakyan ng isang police officer matapos umanong tangkaing takasan ang isang checkpoint sa Naga City, Camarines Sur.

Naganap ang insidente sa kasagsagan ng One-Time Big-Time operation na isinagawa ng Naga City Police Office at ng Land Transportation Office (LTO) Naga.

Kapwa nagtamo ang 39-anyos na rider at indibidwal na sakay ng pillion ng minor injuries sa insidente.

Ayon sa mga pulis, amoy alak ang driver.

“Si driver po, nung nadatnan ko, ay nakahiga na po sa kalsada, and may mga dugo yung mukha… nangangamoy din po ng alak,” pahayag ni PLTCOL. Chester Pomar, Public Information Officer (PIO) ng Naga City Police Office (NCPO).

Nagkasa na ng probationary settlement sa mga sangkot.

Pinaaalalahanan ng mga pulis ang mga motorista na tiyaking kompleto ang kanilang dokumento at mayroong valid license bago magmaneho ng anumang sasakyan. RNT/SA