Home NATIONWIDE Rider patay, pasahero sugatan sa motorsiklong bumangga sa concrete barrier

Rider patay, pasahero sugatan sa motorsiklong bumangga sa concrete barrier

272
0

MANILA, Philippines – Patay ang isang rider habang sugatan ang pasahero nito matapos bumangga ang sinasakyan nilang motorsiklo sa isang concrete barrier sa Angono, Rizal nitong Biyernes, Oktubre 24.

Ayon sa Police Region 4A, ang insidente ay nangyari bandang 1:30 ng umaga sa Barangay San Roque.

Ang rider ay kinilalang si “Roel,” na nawalan ng kontrol sa motorsiklo dahilan para bumangga ito sa concrete barrier.

Tumilapon naman ang pasahero nitong si “Elizabeth” na nagtamo ng pinsala sa katawan.

Agad dinala sa ospital ang dalawa ngunit idineklarang dead on arrival si Roel.

Hindi pa tiyak ang kondisyon ng pasahero nito.

Hindi rin nabatid sa police report kung ang mga rider ay walang suot na helmet. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here