Home METRO Rider patay sa poste ng kuryente

Rider patay sa poste ng kuryente

VILLAVERDE, Nueva Vizcaya – Sinalubong na ni kamatayan ang isang rider matapos bumangga sa poste ng kuryente ang minamanehong motorsiklo sa Brgy. Ibung, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Kinilala ang nasawi na si Bhenson Gines, 19 anyos, at residente ng Brgy. Nagbitin, Villaverde, Nueva Vizcaya.

Napag-alaman na galing umano sa pagtitipon ang biktima at patungo sana sa bayan ng Villaverde.

Nang makarating sa pinangyarihan ng insidente ay bigla na lang umanong nawalan ng kontrol ang biktima sa kanyang motorsiklo at sinalpok ang poste ng kuryente sa gilid ng kalsada.

Sa lakas ng pagbangga ay nagtamo ng malalang pinsala sa ulo at iba’t ibang bahagi ng katawan ang biktimana.

Agad dinala sa pagamutan ng mga rescuer subalit idineklara nang dead on arrival ng attending physician.

Posibleng nasa impluwensiya ng nakakalasing na inumin ang biktima na wala ring suot na helmet nang mangyayari ang insidente na sanhi ng kanyang kamatayan. Rey Velasco