Home HOME BANNER STORY Rider sapul ng sinindihang whistle bomb sa kalsada

Rider sapul ng sinindihang whistle bomb sa kalsada

263
0

MANILA, Philippines – Humingi ng tawad ang indibidwal na nagsindi ng whistle bomb sa gita ng kalsada sa Taguig City kung saan sumabog ito sakto sa pagdaan ng isang motorcycle rider.

Sa viral CCTV footage, makikita ang isang lalaki na nagsindi ng whistle bomb sa kalsada sa Barangay Hagonoy, at nagbababala sa mga motorista na huwag munang dumaan o lumapit dito.

Sa kabila nito, dumaan pa rin ang isang motorsiklo na sakto naman sa pagsabog nito dahilan para mabalot ng matinding usok ang rider.

Nagawang matunton ng pulisya ang lalaking nagsindi ng firecracker.

Kahit na humingi ng tawad ay tineketan pa rin ito sa paglabag sa city ordinance sa designated firecracker at fireworks areas. Ang multa rito ay P5,000 at pagkakulong na maaaring umabot ng hanggang anim na buwan.

Ginalugad na rin ng pulisya ang mga kalapit na ospital kung saan posibleng nagtungo ang motorcycle rider ngunit walang nakita. RNT/JGC

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here