Home METRO Rider utas sa dump truck

Rider utas sa dump truck

LA UNION- Tigok ang isang 34-anyos na lalaki matapos bumangga ang motorsiklo nito sa likod ng sinusundang dump truck sa Naguilian road sa Brgy. Acao, Bauang ng lalawigang ito kagabi.

Kinilala ng Bauang Municipal Police Station ang driver ng Keeway 152 motorcycle na si Richard Umuquit y Dumadag, 34, walang asawa, residente ng Brgy. Sevilla, San Fernando City, La Union.

Nakilala naman ang driver ng dump truck na si Franklin Rimando y Rivera, 57, may asawa, residente ng Brgy. Acao, Bauang, La Union.

Ang dalawang sasakyan ay parehong bumibiyahe patungong silangang direksyon sa naturang lugar.

Pagdating sa pinangyarihan ng insidente ay kumabig pakaliwa ang dump truck. Aksidente umanong bumangga sa likuran nito ang motorsiklo.

Agad na dinala sa Ilocos Training and Regional Medical Center sa San Fernando City, La Union ang driver ng motorsiklo.

Gayunman, ang driver ng motorsiklo ay idineklarang dead-on-arrival ng umatending doktor.

Hindi naman nasaktan sa naturang insidente ang driver ng dump truck. Rolando S. Gamoso