MANILA, Philippines – Niyanig ng serye ng mahihinang lindol ang Zambales ngayong Lunes, Mayo 6.
Ayon sa PHIVOLCS, ang una sa apat na lindol ay naitala sa coastal town 2:29 ng umaga. May lakas itong magnitude 3.5 at may lalim na 53 kilometro.
Bandang 3:08 ng umaga naman, niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang Cabangan. May lalim itong 14 kilometro.
Sinabi rin ng PHIVOLCS na naitala rin ang isa pang magnitude 3.5 na lindol sa Cabangan bandang 4:03 ng umaga. Naramdaman ang Intensity II ng lindol sa San Antonio, at Intensity I sa Cabangan.
Sinundan naman ito ng magnitude 2.5 na lindol sa kaparehong bayan pasado alas-5 ng umaga.
Wala namang naitalang pinsala o inaasahang aftershock dito. RNT/JGC