Home NATIONWIDE Ridge of high pressure area at easterlies mamamayani sa bansa

Ridge of high pressure area at easterlies mamamayani sa bansa

132
0

MANILA, Philippines – Asahan ang pangkalahatang maaliwalas na panahon sa malaking bahagi ng bansa ngayong Martes, ayon sa Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAGASA).

Gayunman, sinabi ng ahensya na posible pa rin ang mga panaka-nakang pag-ulan o pagkulog at pagkidlat sa ilang lugar, sa kabila ng inaasahang malinaw na kalangitan sa karamihan ng bahagi ng bansa. Patuloy ding mararanasan ang mahina hanggang katamtamang hangin at banayad hanggang katamtamang alon sa buong kapuluan.

Ipinaliwanag ng PAGASA na dulot ito ng ridge of high pressure area at easterlies na siyang umiiral na weather systems ngayong Semana Santa.

Dahil sa matinding init sa araw, pinapayuhan ang publiko na iwasan ang outdoor activities mula alas-10 ng umaga hanggang alas-4 ng hapon, uminom ng sapat na tubig, at umiwas sa alak at caffeine. Inirerekomenda rin ang pagsusuot ng mapuputing damit, paggamit ng proteksyon laban sa araw, at pagpapahinga sa malilim na lugar.

Ayon sa PAGASA, makatutulong ang mga hakbang na ito upang maiwasan ang fatigue, heat cramps, at heat exhaustion.

Samantala, wala pang mino-monitor na low pressure area ang ahensya na posibleng maging bagyo. RNT

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here