Home OPINION KAWAWANG OFWs SA US-ISRAEL-IRAN WAR

KAWAWANG OFWs SA US-ISRAEL-IRAN WAR

183
0

NAKAAAWA ang kalagayan ngayon ng mga overseas Filipino worker na nagtatrabaho sa Middle East.

Pinakamalala ang nangyayari sa mga nasa Israel kumpara sa mga nasa Kuwait, Bahrain, United Arab Emirates, Saudi Arabia, Qatar, Jordan at Oman.

Ang nasa 30,000-50,000 na nasa Israel, hindi na makatulog at makapagpahinga sa katatakbo sa mga bomb shelter tuwing may sirena na babala sa pagdating ng mga missile at drone galing sa Iran, Hezbollah sa Lebanon at Houthi sa Yemen.

Hindi na rin sila makapaghanapbuhay nang matino bilang mga caregiver, kasambahay at empleyado sa mga restoran, pabrika, ospital, hotel, merkado, balon ng langis, oil refinery, airport, base militar at gobyerno.

Ang mga nasa ibang nasabing bansa, pangunahing apektado ang mga nagtatrabaho sa mga base militar ng mga Amerikano, balon ng langis, refinery, hotel, merkado, ospital at iba pa dahil din sa pag-atake ng mga missile at drone ng Iran.

Sa partikular, marami sa mga base militar ang abandonado at nagtatago ang mga sundalong Amerikano sa mga hotel o bahay-bahay ng mga sibilyan at apektado na rin ang trabahong sibilyan ng mga OFW.

Gayundin ang mga pumapasok sa mga balon ng langis, refinery, puerto ng mga oil tanker at pangkargo at airport.

Sinusunog ang mga balon o oil well at refinery ng mga missile at drone, maging ang mga oil tanker at puerto.

MGA PINOY SEAMAN NANGANGANIB DIN

Ang libo-libo ring marino o Pinoy seamen, naiistambay sa loob ng mga barko sa loob Persian Gulf o kaya sa Gulf of Oman at Arabian Sea dahil sa pagsasara ng Strait of Hormuz/

Ang iba, namamatay o nasusugatan sa mga mini-missile o dino-drone na mga barko.

Ngayon muling sumama sa giyera ang mga Houthi, muling nasa panganib din ang mga marino sa paglalakbay sa Bab -al-Mandab Strait na pasukan at labasan ng mga barko sa Red Sea.

Maaaring maulit ang pagpapalubog sa mga barko sa Red Sea ng mga Houthi na ikinamamatay ng mga seaman o pagbihag sa kanila nang matagal.

REMITTANCE O PADALA APEKTADO

Sa tantiya ng mga awtoridad, nasa 18% ng mga padala ng nasa 2.8 milyong Pinoy sa Middle East ang mababawas kung magtatagal ang digmaan.

Kung labis namang mapinsala ang mga balon ng langis at refinery, maaaring aabot sa 30 porsyento ang ikababagsak ng mga padala.

Magkakaroon lamang ng normal na pagpapadala kung matatapos na ang digmaan dahil magsisimula rin ang pagtatayo at pagre-repair ng mga nasirang pasilidad sa digmaan.

Muling babalik sa normal ang hanapbuhay ng mga obrerong Pinoy, gayundin ang kanilang padala lalo’t tinatayang aabot sa limang taon ang reconstruction ng mga nasisirang pasilidad.

Ngunit habang nagaganap ang mababangis na digmaan, naririyan ang bawas na mga padala, lalo na sa parte ng mga nasusugatan at ganap na kawalan ng padala sa pagkalugi o pagkamatay ng mga employer.

Ano-ano nga pala ngayon ang ginagawa ng gobyerno para maalalayan ang mga pamilyang OFW na umaasa sa mga padala?

Lalo na sa parte ng mga batang mag-aaral, sa mga maysakit at naghuhulog ng mga biniling bahay?

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here