VATICAN – Inilagay ni Cardinal Luis Antonio Tagle ang Ring of the Fisherman sa daliri ni Pope Leo XIV sa inagurasyon nito bilang ika-267 pontiff ng Simbahang Katolika.
Dinaluhan ng libo-libong mga mananampalataya ang Inauguration Mass ni Pope Leo XIV sa St. Peter’s Square sa Vatican.
Ang Ring of the Fisherman ay simbolo ng authority ng pontiff bilang successor ng St. Peter, ang “fisherman and the first head” ng Simbahan.
Inilagay din sa Santo Papa ang pallium, o vestment na gawa sa balahibo ng tupa na sumisimbolo naman sa pagiging pastol niya sa Simbahan.
Bago ang Eucharistic celebration, ginamit ni Pope Leo XIV sa kauna-unahang pagkakataon ang popemobile para batiin ang mga tao sa loob ng 30 minuto.
Nagbigay din ito ng basbas sa mga sanggol.
Sa kanyang homily, hinimok ng 69-anyos na Santo Papa ang pagbibigay ng pag-ibig ng Diyos sa lahat ng tao.
Dumalo sa inauguration Mass ni Pope Leo XIV ang ilang world leader katulad nina US Vice President JD Vance at Ukrainian President Volodymyr Zelenskyy. RNT/JGC