Home ENTERTAINMENT Rinoa, sinisigurong mabango ang katawan sa love scene!

Rinoa, sinisigurong mabango ang katawan sa love scene!

1
0
Screenshot

Manila, Philippines – Inaabangan ng maraming boys ang mga project sa VMX app ng sexy actress na si Rinoa Halili.

Ang ilan sa mga pelikulang nagawa ng hot na hot na talent na ito ni Jojo Veloso ay ang “Maninilip,””Sorority,” “Kirot,” “Paalam, Salamat,” “Salikmata,”Aliwan Inn,” “Liwaliw,” at “Kesong Puti.”

Ang susunod na aabangan kay Rinoa sa VMX ay isang special, ang “Sex in Public” at ang pelikulang “Spit or Swallow?.”

Sinabi ni Rinoa na ang kanyang role sa Spit or Swallow? ay isang professor.

Ang pelikula raw ay isang super hot GL (Girls Love) at ito raw ang isa sa wildest movie na nagawa niya.

Paano usually ang preparation niya bago ang shooting ng sexy scenes?

Esplika ng dalaga, “Part ng preparation ko po, I usually read the whole script – pronto. Pagbigay pa lang po sa akin ay binabasa ko na agad ang script and something that I do is research a film, similar with the film we’re doing po.

“Ginagawa ko po ito, nang sa ganoon ay mapag-aralan ko po yung character na ibinigay o natoka sa akin.”

Dagdag pa ni Rinoa, “On my end po, siyempre! Bago ang love scene, mahalaga po talaga iyon, personal hygiene is a must! Before and after the love scenes we do, naliligo po talaga ako para maginhawa sa pakiramdam.

“Malakas po kasi ang pang-amoy ko, hahaha! So,kailangan hygiene po talaga and sensitive po kasi  ako sa mga naamoy ko lagi.”

Pahabol na wika pa niya, “All of us are self aware naman po kapag may mga love scene kami on the day ng shooting namin, lagi po talaga kaming nagha-hygiene and hindi naman po kailangan na sabihin pa, kasi automatic na siya sa amin, hihihi,” nakangiting wika pa niya.

“Kaya sure po talaga ako na mabangong-mabango ang buo kong katawan kapag love scene na namin, hahahaha!” natatawang bulalas pa ni Rinoa. Nonie Nicasio

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here