Home NATIONWIDE Riot sa Mendiola, bayad; Palasyo target sunugin – SILG Remulla

Riot sa Mendiola, bayad; Palasyo target sunugin – SILG Remulla

253
0

MANILA, Philippines – Kinumpirma ni Interior Secretary Jonvic Remulla nitong Martes na ang riot sa Mendiola noong Setyembre 21 ay isinagawa ng isang organisadong grupo na nagrekrut ng mga menor de edad at binayaran ng tig-₱3,000 para maghasik ng gulo at subukang pabagsakin ang gobyerno.

“Mukhang lumalabas organized group… ang bayad nila sa mga bata ay 3,000 each. May mga videos pa kami na pinapakita nila mga pera nila at niyayabang sa social media,” ani Remulla. Dagdag pa niya, may instruksyon na, “Kung kaya niyo umabot ng Palasyo, sunugin niyo.”

Binigyang-diin ni Remulla na hindi ito isang political o cause-driven rally kundi isang bayarang kaguluhan. Aabot sa 217 katao, kabilang ang 95 menor de edad, ang iniimbestigahan. Sinusuri ng mga awtoridad ang testimonya at ebidensya sa social media upang tukuyin ang mga nag-organisa at nagpondo, ngunit wala pang kasong naisampa.

Posibleng isampang kaso ay arson, destruction of property, at sedition. Ilang pulis ang nasugatan matapos batuhin ng mga raliyista ng tear gas, paputok, at bato, habang smoke grenades lamang ang ginamit ng mga pulis para sa dispersal.

Binigyang-diin ni Remulla na susunod ang imbestigasyon sa due process. “According nga kay Presidente, we are a nation of laws, not of men… Hindi pupwede ‘yung basta-basta kami magtuturo ng daliri. We have a very liberal democracy, but we have to maintain its stability,” aniya. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here