Home HOME BANNER STORY DA nakatutok sa presyo ng bilihin sa epekto ng magkakasunod na bagyo

DA nakatutok sa presyo ng bilihin sa epekto ng magkakasunod na bagyo

388
0

MANILA, Philippines – Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mahigpit na binabantayan ang lokal na pamilihan matapos ang pananalasa ng Super Typhoon Nando, kasabay ng validation ng pinsala sa agrikultura sa hilagang Luzon.

Ayon kay DA spokesperson Assistant Secretary Arnel de Mesa, wala pang aberya sa transportasyon na magtutulak ng biglaang pagtaas ng presyo.

“Nakabantay naman palagi ang DA, ‘yung ating bantay-presyo monitoring team kasama ang DTI at LGUs,” aniya. Dagdag pa niya, bukas ang mga kalsada at tuloy-tuloy ang byahe ng mga produkto kaya hindi inaasahan ang biglaang taas-presyo.

Nanatiling matatag ang presyo ng bigas dahil sa harvest season at sapat na suplay.

Ang premium imported rice sa Metro Manila ay nasa ₱42 hanggang ₱52 kada kilo, habang lokal na premium rice ay nasa ₱42 hanggang ₱60. Ang well-milled rice ay nasa pagitan ng ₱38 hanggang ₱52. Umabot na rin sa 3.08 milyong metric tons ang rice imports as of Sept. 11, at may naka-standby na higit dalawang milyong sako ng bigas ang National Food Authority.

Gayunman, posibleng tumaas ang presyo ng gulay sa loob ng dalawang linggo dahil sa pinsalang iniulat mula Benguet at Nueva Vizcaya. Sa Quezon naman naitala ang pinakamalaking pinsala sa palay.

Para sa mabilis na recovery, may nakahandang higit 113,000 bags ng palay seedlings, 100,000 bags ng corn seeds, at 13,000 kilo ng vegetable seeds.

May access din ang mga magsasaka sa pautang at insurance mula sa ACPC at Philippine Crop Insurance Corporation. Santi Celario

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here