Home NATIONWIDE Risa kay Guo sa banat sa FB: Allergic kami sa sinungaling

Risa kay Guo sa banat sa FB: Allergic kami sa sinungaling

109
0

MANILA, Philippines – Matinding inupakan ni Senador Risa Hontiveros ang pasaring ni suspended Bamban Mayor Alice Guo na kung bakit nakatutok ang Senado sa kanya sa halip tugunan ang kakakulangan ng pagkain at pangangalaga sa kalusugan.

Sa pahayag, sinabi ni Hontiveros na hindi fixated o nakatutok ang Senado sa kanya kundi ang kasinungalingan na ginagawa nito sa pagdinig ng Senado hinggil sa kanyang pagkakasangkot sa illegal activities ng POGO sa bansa.

“Huwag kayong mag-alala, hindi kami fixated sa’yo. Allergic lang kami sa mga sinungaling,” ayon kay Hontiveros.

Kinastigo ni Hontiveros, nangunguna sa Senate probe hinggil sa nilusob POGO hub sa bayan ni Guo na natuklasang gumagawa ng kriminalidad, laban sa pasaring nito sa kanyang Facebook account sa halip na harapin ang alegasyon na sangkot siya sa naturang grupo.

“Mayor Alice Guo o Guo Hua Ping, mas marami pa kayong post sa Facebook kaysa sa attendance sa Senate hearing. So sadly for you, hindi katumbas ng attendance mo sa Senado ang maya’t-maya mong pagso-social media,” ayon kay Hontiveros.

“Attendance before the Senate hearings is adherence to the rule of law,” ani pa ni Hontiveros.

Binatikos din ni Hontiveros ang sinasabing prayoridad nito, ang kanyang kalusugan at katiwasayan ng kaisipan.

“Paano ka magkakaroon ng peace of mind kung palagi ka na lang iiwas sa mga tanong? Kung nakakalimutan mo, pinapatawag ka dahil nasa gitna ka ng pang-aabuso ng POGO sa mga batas natin, na hinayaan mong lumawak dahil sa impluwensya mo bilang Mayor,” aniya.

“Nagsinungaling ka tungkol sa koneksyon mo sa POGO, nagsinungaling ka tungkol sa pagkatao mo, at kada log-in mo sa Facebook, may bago ka na namang iniimbento,” giit ng senador.

Suspendido si Guo bilang alkalde matapos matuklasan ang ilang katiwalian at pekeng pagkakakilanlan nito kasama pa ang pagkakasangkot sa ilang illegal na gawain.

Ipinaaresto ng Senado si Guo matapos balewalain ang ilang imbitasyon at subpoena ng Senado. Ernie Reyes

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here