Home NATIONWIDE Risa: Sinibak na BI exec sa Pastillas scam, kasabwat sa pagtakas ni...

Risa: Sinibak na BI exec sa Pastillas scam, kasabwat sa pagtakas ni Guo?

Malaki ang paniniwala ni Senador Risa Hontiveros na maaaring “tumulong” ang sinibak na opisyal ng Bureau of Immigration (BI) sa “Pastillas scam” sa pagtakas ni Alice Guo at mga kapatid nito pangulong Malaysia.

Ipinalutang ni Hontiveros ang posibilidad na tumulong si Vincent Bryan Allas kasalukuyang acting chief ng BI Control and Intelligence Unit (BICU) sa pagtakas ni Alice Guo sa pagpapatuloy na imbestigasyon ng Senate justice and human rights.

Sa kanyang interpelasyon kay Bureau of Immigration (BI) Intelligence Division chief Fortunato Manahan Jr., kinuwestiyon ni Hontiveros ang Pagkakatalaga kay Allas sa naturang sensitibong posisyon sa kabila nang napanatunayan na sangkot siya sa Pastillas scam.

The, BICU is tasked to perform intelligence and counterintelligence duties to strengthen the operational capability of all international ports of entry and exit (IPEE),” giit ni Hontiveros.

“The BICU is the border control component that supports and assists those IPEEs in the provision of security and escort to transit or transfer or intercept travelers in general, turn over of persons of interest to appropriate law enforcement agencies or facilities including inadmissible aliens, and other concerns requiring traveler restraint, investigation, temporary safekeeping and other security matters, dagdag ng senador.

Sumang-ayon si Manahan sa pananaw ni Hontiveros sa pagsasabing na may “important at sensitive na tungkulin ang BICU.

Ayon kay Hontiveros, napatunayan ng Office of the Ombudsman na “administratively liable for grave misconduct and conduct prejudicial to the best interest of the service si Allas sa pagkakasangkot nito sa Pastillas scam.

Binanggit din ng senadora na dinismi sa serbisyo si Allas hinggil sa pagkakasangkot nito sa “Pastillas” extortion scheme at nahahara ito sa kasong graft sa Sandiganbayan.

“Paano po nangyari na ginawa pa siyang head ng BICU? Hindi kaya ito ay puno’t dulo ng problemang iniimbestiga namin at dapat niyong ayusin sa side ng executive?” tanong ni Hontiveros.

“Sa dinami-dami ng mga Pilipino na pwedeng gumanap ng mga tungkulin ng BI at ng mga sensitibong parte niya katulad ng BICU, ang pina-in charge pa sa borders natin ay isang tao na inakusahan ng korapsyon. Couldnt the BI have done better?” aniya.

Ipinagtanggol naman ni Manahan si Allas bilang tugon kay Hontiveros sa pagsasabing “he is performing well” since he assumed his post and his designation was based on the order of the BI commissioner.”

Pero, nagmatigas si Hontiveros laban sa Pagkakatalaga kay Allas sa pagsasabing: “very, very strange and unacceptable situations,” especially in the context of Guo’s escape.

“The BI is conducting an internal investigation on possible corruption in relation to the supposed escape of Guo and others in her circle,” ayon kay Manahan.

Ikinokonsidera ng immigration na may posibilidad na may ilang tauhan ng BI o opisyal ang tumanggap ng suhol kapalit ng pagtakas ni Guo.

Sinabi ni Hontiveros na may impormasyon siyang gumastos ng mahigit P200 milyon si Guo upang makatakas palabas ng Pilipinas.

Sa kanyang closing statement, sinabi ni Hontiveros na malaki ang posibilidad na may panibagong kaso ng “pastillas” scam.

“Pastillas Part 2 ba ito, kaya nakatakas si Alice? Jumbo pastillas na siguro ito ano?” ani Hontiveros. Ernie Reyes