Manila, Philippines- Mula nang sumabog ang tungkol sa lavish lifestyle ng isang politician, naging puntirya na ng bashings ang iba’t-ibang personalidad sa pulitika lalo na iyong mga miyembro ng political dynasty.
Nalagay sa spotlight ang kanilang magarbong pamumuhay at magastos na lifestyle.
Pati nga ang hilig nila sa luxurious items at costly travels ay nakukuwestiyon.
Sa development na ito, grabe rin ang hate comments sa mga nepo babies sa politics at maging iyong taga-showbiz na sumabak sa politics.
Hindi naman nakaligtas sa bashings ng netizens ang PBB housemate na si River Joseph dahil sa affinity nito sa diumanoý dyowang miyembro ng isang political clan.
May ilan pang pa-savage na gustong i-cancel ang aktor.
May mga nag-uudyok din sa aktor na i-break ang kanyang dyowa dahil sa umanoý lavish lifestyle nito.
Ito ang ilan sa kanilang mga komento.
“We should normalize calling and shaming these nepo babies who proudly benefit from political dynasties.”
“These people use taxpayer’s money to buy designer bag and jewelries.”
“Proud pa siya na she comes from a political dynasty.”
“If River Joseph doesn’t break up with her, it will say so much about him.”
“Totoo bang kasama siya sa anak ng mga contractor sa flood control project?” Archie Liao