Home NATIONWIDE Napolcom: Apat pang aktibong pulis, sangkot sa kaso ng missing sabungeros

Napolcom: Apat pang aktibong pulis, sangkot sa kaso ng missing sabungeros

327
0

MANILA, Philippines – Apat pang aktibong pulis ang iniimbestigahan ng National Police Commission (Napolcom) dahil sa umano’y pagkakasangkot nito sa pagdukot sa mga sabungero.

Inihayag ito ni Napolcom Vice Chairperson at Executive Officer Rafael Calinisan sa isang press conference sa kanilang tanggapan sa Quezon City nitong Huwebes.

“We are looking into at least four more names here in the National Police Commission as to their possible involvement. These are names given to us by a possible witness, and we are hoping that witness surfaces,” aniya.

Tumanggi si Calinisan na tukuyin ang mga pulis na iniimbestigahan. Ngunit kinumpirma niyang ito’y mga “active” at may ranggong opisyal.

Labindalawang aktibong pulis ang kinasuhan na ng administratibo dahil sa umano’y pagkakasangkot nila sa iniulat na kidnapping-killings ng hindi bababa sa 34 na sabungero sa pagitan ng Abril 2021 at Enero 2022. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here