Home METRO Road repair, reblocking sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard umarangkada

Road repair, reblocking sa ilang bahagi ng Roxas Boulevard umarangkada

MANILA, Philippines- Pinayuhan ang mga motorista na gumamit ng service roads at iba pang lane bilang alternatibong ruta sa pagsisimula ng Department of Public Works and Highways ng road reblocking at repairs sa ilang parte ng Roxas Boulevard.

Sinabi ng DPWH South Manila District Engineering Office na simula April 5 hanggang April 30 magsasagawa ito ng concreting, reblocking, asphalt overlay, at maglalagay ng thermoplastic pavements sa kahabaan ng south at northbound bridge palapit sa Roxas Boulevard Flyover.

Magsasagawa rin ito ng road repairs sa kahabaan ng northbound portions ng Roxas Boulevard simula sa April 4. Inaasahang makukumpleto ang repair works matapos ang 150 araw.

Saklaw naman ng repair works sa sirang kalsada sa kahabaan ng Roxas Boulevard ang mga lugar ng Pasay City, makalampas ng Lourdes Street, bago sumapit ang Gardens By the Bay Residences; at kahabaan ng Manila City, mula Remedios Street hanggang Sands Residences.

Sinabi ng DPWH na bagama’t magpapatuloy ang pagkumpuni sa parehong proyekto tuwing gabi, bubuksan ang closed lanes at madaraanan tuwing umaga para sa maayos na daloy ng trapiko.

Anito pa, isa-isang kukumpunihin ang mga lane upang maibsan ang pagsikip ng trapiko. RNT/SA

Previous articleSSS mag-aalok ng calamity loan para sa mga OFW na apektado ng Taiwan quake
Next articleBagong NCMF chief, iba pang government officials pinangalanan