MANILA, Philippines- Itinalaga ni Pangulong Marcos ang bagong kalihim ng National Commission on Muslim Filipinos (NCMF).
Inanunsyo ng Malacañang na pinangalanan ni Marcos si Sabuddin Abdurahim bilang bagong NCMF chief, na kahalili ni Guiling Mamondiong.
Isa si Abdurahim sa mga bagong opisyal na itinalaga ng Pangulo sa iba’t ibang opisina ng pamahalaan.
Itinalaga rin ni Marcos si Renato Reside Jr. bilang undersecretary sa Department of Finance (DOF) at si Ma. Teresa Iñigo bilang director general ng Philippine Institute of Traditional and Alternative Health Care.
Gayundin, pinangalanan ng Chief Executive ang mga bagong opisyal, karamihan ay mga direktor at board members, sa mga ahensya tulad ng Department of Science and Technology (DOST), Department of the Interior and Local Government (DILG), Department of Agrarian Reform (DAR), Department of Education (DepEd), Department of Health (DOH), National Economic and Development Authority (NEDA), at Department of Transportation (DOTr).
Gayundin, nagtalaga ng mga bagong opisyal sa Social Security System, Philippine Space Agency, at Presidential Communications Office (PCO).
Inilabas ang bagong appointees nitong Miyerkules sa Facebook page ng PCO. RNT/SA