Home HOME BANNER STORY #RoadAlert: Isang buwang mabigat na trapiko sa Las Piñas ibinabala

#RoadAlert: Isang buwang mabigat na trapiko sa Las Piñas ibinabala

107
0

MANILA, Philippines – Inihayag ng lokal na pamahalaan ng Las Piñas na makararanas ng mabigat na daloy ng trapiko ang mga motorista sa isasagawang aktibidad ng retrofitting ng Department of Public Works and Highways (DPWH) kung saan magtatagal ito ng isang buwan na magsisimula ng Agosto 6 (Martes) at inaasahang matatapos hanggang Setyembre 6 (Biyernes).

Ang pagsasagawa ng retrofitting activity ng DPWH ay kaugnay sa pagpapatibay ng permanenteng aktibidad sa pagkukumpuni ng Pulang Lupa Bridge sa lungsod.

Sinabi ni Las Piñas City Mayor Imelda ‘Mel’ Aguilar na inaasahan ang mabigat na daloy ng trapiko sa lugar na pagkukumpunihan ng DPWH kung kaya’t naglatag ang lokal na pamahalaan ng traffic rerouting sa Diego Cera bridge sa kahabaan ng Quirino Avenue.

453653317_407836218971445_1325856884337282281_n.jpg

Aniya, para sa mga magaan na sasakyan na papunta sa hilaga at timog ay dapat dumaan sa Tramo Street at vice versa.

453752338_407836212304779_5453039890719258040_n.jpg

Sinabi ng alkalde na ipapatupad ang “stop and go” traffic scheme at ang mga magaan na sasakyang dadaan sa Kabihasnan Road patungong Zapote Road ay dapat dumaan sa Quirino Avenue.

453721350_407836255638108_6472001791792943268_n.jpg

Sinabi ni Aguilar na ang mga mabibigat na trak at pribadong sasakyan na magmumula sa Kabihasnan Road hanggang Zapote Road ay dapat dumaan sa Quirino Avenue pagkatapos sa Villareal Street at C5 Extension. James Catapusan

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here