MANILA, Philippines – Nag-abiso ang Department of Transportation (DOTr) sa mga motorista sa posibleng pagbagal ng trapiko sa ilang kalsada sa Metro Manila habang ibinabyahe ang tunnel boring machine ng Metro Manila Subway Project sa weekend.
Ayon sa DOTr maaaring makaranas ng pagbagal trapiko ang mga motorista simula alas-10 ng gabi hanggang 4 a.m. ng Abril 12 hanggang 13 at Abril 14 hanggang 15, 2024 dahil sa transportasyon ng makina.