Home ENTERTAINMENT Robi, handa nang magka-baby; Misis, hindi pa!

Robi, handa nang magka-baby; Misis, hindi pa!

172
0

Manila, Philippines- In God’s perfect time.

Ito ang mahigpit na pinanghahawakan ni Robi Domingo sa ikatutupad ng kanyang panalangin na magkaroon na sila ng anak ng misis niyang si Maiqui Pineda.

An emotional Robi celebrated his 35th birthday.

Ramdam ang damdamin ng TV host sa in-upload niyang dalawang video on his Instagram page.

Aniya, naniniwala raw siyang handa na siyang maging ama.

Looking forward nga si Robi to cradling: “Baby Robi or Baby Maiqui or twins!”

Pero he’s being realistic.

Ang pagkakaroon daw kasi nila ng anak ni Maiqui largely depends on the clearance na manggagaling sa doktor nito.

Matatandaang itinuturing na malaking dagok sa buhay ni Robi ang karamdaman that Maiqui had to live through last year.

Maiqui was diagnosed with dermatomyositis, a rare autoimmune disease.

Kaya nga raw emotions got the better of him nitong nakaraang kaarawan niya.

Robi called them “birthday blues” lalo’t nagsusumiksik sa utak niya na: “Tumatanda ka na!”

Pero pagdidiin ng birthday boy, “I’m not asking that much. I just want Maiqui’s disease gone as she prepares for motherhood.”

For posterity daw ay iingatan niya ang ginawang dalawang video para mapanood ng kanilang magiging anak.

Robi has set a time frame though: “Hopefully, next year!”

Wishful thinking. Ronnie Carrasco III

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here