Home ENTERTAINMENT Robi, pinagbantaan ng fan, bumuwelta!

Robi, pinagbantaan ng fan, bumuwelta!

Manila, Philippines- Nagbigay ng babala ang isang DonBelle fan kay Robi Domingo hinggil sa umano’y posibleng pagshi-ship nito kina Kathryn Bernardo at Donny Pangilinan sa isa’t-isa.

Ang tambalang KathDon kasi ay nabuo sa pagsasama ng dalawang Kapamilya stars bilang pinakabagong judges ng Season 7 ng Pilipinas Got Talent kung saan host si Robi.

Kilala kasi sa pagiging witty si Robi at naitatawid niya ang mga ganitong pasakalye lalo na’t updated din siya sa current events pagdating sa tsika.

Sey ng basher: “@iamrobidomingo ay subukan mo lang na i-match si @donny at @bernardokath ready ready and solid ang supporters ni Belle Mariano na ibash ka mula ulo mo hanggang paa. WAG MO ITOLERATE yung KALANDIAN ng peste mong kaibigan.”

Sumagot naman si Robi sa pagbabanta ng nasabing netizen.

Tugon niya na di nagpatinag: “Can I consider this as a threat? Can I take legal actions against this? I don’t tolerate this behavior.”

Ito naman ang naging reaksyon ng netizens sa pagresbak ni Robi sa naturang basher.

“Im sorry but this is obviously an act para sirain si Belle. And I know ppl who’s good at this, pretending to be someone else’s fans para masira yung artista na yon.”

Ito naman ang reaksyon ng ibang netizen.

“May mga fans talaga na aggressive who need to get a life. Salot yang mga ganyan. He should because that was messy.”

“Belle is too kind to have this kind of fan. Wala na talaga sila sa lugar mga delulutards. Wala naman masama kung i-pair-up yung dalawa. Work lang naman yan. Mindset lang talaga ng mga fans ang mang-away palagi. Parang gusto nila, yung idol lang nila ang angat palagi. Ang totoxic! Ang aasim siguro sa personal!”

“Can fans please stop thinking they OWN these celebrities? That their idols have to obey their every wish and whim? Grabe kung makapagdemand eh.”

“Maganda sampolan yan ni Robi D para mahimasmaaan ang mga soc med commenters.” Archie Liao