Manila, Philippines- It’s Alden Richards’ turn for his cryptic post on Instagram.
Kilala nating hindi masyadong ma-social media si Alden.
At lalong he’s not known for churning out cryptic posts as much as possible.
Pero lately, hindi na rin nakapagpigil ang Kapuso actor.
In his Instagram Story, he posted an art card with black background which says: “Food for thought: mind your own business.”
Nag-uusisa tuloy ang mga netizens kung para kanino ang post na ‘yon.
Napagtanto ng mga ito na may kinalaman ito sa sunud-sunod na balita tungkol kay Alden at Kathryn Bernardo.
Dalawang news sources ang tinukoy ng mga netizens: ang programa ni Cristy Fermin at online show ni Ogie Diaz.
Iniulat kasi ng una na nagdededmahan na raw ang dalawa considering na asang-asa pa naman ang mga KathDen fans na mauuwi sa relasyon ang balik-tambalan nila.
Samantala, iniulat naman ni Ogie na tumigil na raw si Alden ng panliligaw kay Kathryn.
Alin kaya sa mga tsikang ito ang inalmahan ni Alden?
And to whom did the Kapuso actor address his cryptic post: the netizens in general?
Or is it a toss between Cristy and Ogie? Ronnie Carrasco III