Home NATIONWIDE Robin Padilla, Duterte supporters nagpasa ng ikatlong batch ng pirma sa SC...

Robin Padilla, Duterte supporters nagpasa ng ikatlong batch ng pirma sa SC sa pagpapauwi kay FPRRD

118
0
oppo_2

MANILA, Philippines – Muling nagtungo sa Korte Suprema ang mga pro-Duterte kasama si Senator Robin Padilla upang isumite ang ikatlong batch ng signature campaign na nakalap nila sa buong bansa.

Ayon kay Sen.Padilla, dala nila isang maleta ng nakalap nilang lagda ng mga kababayan na hinihiling na desisyunan ng Korte Suprema kaugnay sa inihain nilang petisyon kaugnay ng kaso ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.

Ayon kay Joey Cruz, nakalikom sila ng 304,000 pirma sa kampanyang “Tay, Kami Naman” kung saan muli silang nanawagan sa SC na maibalik si Duterte sa bansa.

“304,000 is 304,000. These people came to us ng walang kapalit, walang ayuda, wala kaming maibibigay. Lahat sila lumapit at umaasa na kikilos na ang Korte Suprema para ipaglaban ang ating soberanya,” ani Cruz.

Ayon kay Cruz, matapos ipagtanggol ni PRRD ang taumbayan , pagkakataon naman ngayon na ang “Tay Kami Naman” ang magtatanggol sa dating Pangulo.

Katuwang aniya nila ang mga leader na talagang may pusong makamasa kasama si Padilla na laging nakasuporta sa kanila mula day one.

Sinabi naman ni Padilla na dapat pakinggan ang kanilang panawagan.

“Lahat ng pina-file diyan dapat bigyan ng panghuhusga,” dagdag niya. Jocelyn Tabangcura-Domenden

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here