Home NATIONWIDE Robin Padilla nag-leave bilang PDP Laban president; Baste humalili

Robin Padilla nag-leave bilang PDP Laban president; Baste humalili

MANILA, Philippines- Nag-leave si Senator Robin Padilla bilang presidente ng Partido ng Demokratiko Pilipino Lakas ng Bayan (PDP Laban) para tutukan ang kanyang “duties as legislator in the 20th Congress,” base sa political party nitong Lunes.

Sinabi ng PDP Laban na si Davao City Vice Mayor Sebastian “Baste” Duterte, ang executive vice president ng partido, ang manunungkulan bilang presidente batay sa rule of succession sa konstitusyon ng partido. 

Sa pagtatapos ng May 2025 midterm elections, sinabi ni Padilla na tututukan naman niya ang kanyang papel bilang senador at “push for the party’s legislative agenda” sa 20th Congress.

“Layunin ko pong ituon ang aking atensyon sa aking tungkulin bilang senador, lalo na sa paghahanda sa pagbubukas ng 20th Congress,” sabi ni Padilla sa isang liham para kay PDP Laban vice chairman Alfonso Cusi.

Ang chairman ng PDP Laban ay si dating Pangulong Rodrigo Duterte, kasalukuyang nakaditine sa Scheveningen Prison sa The Hague para sa kasong crimes against humanity para sa umano’y extrajudicial killings sa war on drugs ng kanyang administrasyon. RNT/SA