Home METRO Rockfall, gas emission sa Mayon, mas dumami

Rockfall, gas emission sa Mayon, mas dumami

28
0

ALBAY, Philippines – Iniulat ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology nitong Miyerkules ang pagtaas ng rockfall incidents at sulfur dioxide emission habang patuloy ang matinding pag-aalboroto ng Mayon Volcano.

Sa pinakahuling 24-hour observation bulletin ng PHIVOLCS, umabot sa 2,228 tonnes ang sulfur dioxide emission noong Martes, mas mataas kumpara sa 1,124 tonnes sa naunang ulat.

Nadagdagan din ang rockfall events sa 315 mula sa dating 286.

Umabot naman sa 500 metro ang mahinang plume emission at kumalat pakanlurang-hilagang-kanluran, mas mataas kaysa sa 300 metrong naitala sa nakaraang ulat.

Patuloy din ang pagdaloy ng lava sa Basud (3.8 kilometro), Bonga (3.2 kilometro), at Mi-isi (1.8 kilometro) gullies, kasabay ng paminsan-minsang minor strombolian activity, ayon sa PHIVOLCS.

Naitala rin ang 28 volcanic earthquakes kabilang ang 13 volcanic tremors na tumagal ng 10 hanggang 87 minuto.

Tatlong pyroclastic density current (PDC) signals o uson din ang namataan.

Nanatiling nakikita ng mata ang crater glow ng bulkan.

Napansin din ang short-term deflation ng volcanic edifice at shorter-term inflation sa northeastern flank nito.

Nananatili sa Alert Level 3 ang Mayon Volcano, na nangangahulugang may intensified o magmatic unrest.

Mahigpit na ipinagbabawal ng mga awtoridad ang pagpasok sa loob ng anim na kilometrong permanent danger zone (PDZ) at pinaiiwas din ang hindi kinakailangang pagpunta sa extended danger zone (EDZ).

Ipinagbabawal din ang pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa bulkan dahil sa banta ng ash at ballistic hazards.

Ayon sa PHIVOLCS, posible pang makaranas ng rockfalls, landslides, lava flows, lava fountaining, pyroclastic density currents, katamtamang pagsabog, at lahar kapag may malakas at tuloy-tuloy na pag-ulan. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here