Home HOME BANNER STORY LPA ganap nang bagyo; maaaring pumasok ng PAR

LPA ganap nang bagyo; maaaring pumasok ng PAR

65
0

MANILA, Philippines – Nabuo bilang tropical depression ang low pressure area (LPA) sa labas ng Philippine area of responsibility (PAR) alas-2 ng hapon nitong Martes, ayon sa PAGASA.

Bandang alas-4 ng hapon, halos hindi ito gumagalaw habang nasa 1,360 kilometro silangan ng hilagang-silangang Mindanao.

Taglay nito ang lakas ng hanging aabot sa 45 kilometers per hour (kph) at pagbugsong hanggang 55 kph.

Bagama’t hindi pa direktang nakaaapekto sa bansa, nagdadala na ang trough o extension nito ng kalat-kalat na pag-ulan sa Northern Mindanao, Caraga, at Davao Region.

Unti-unting lalakas ang bagyo habang kumikilos pahilagang-kanluran sa Philippine Sea.

Posible itong pumasok sa PAR sa Huwebes at tatawaging Domeng, ang ikaapat na bagyo sa bansa ngayong taon.

Maaaring lumakas si Domeng bilang isang typhoon ngunit mananatiling malayo sa kalupaan ng Pilipinas.

Gayunman, maaari nitong palakasin ang hanging habagat pagsapit ng weekend sa Southern Luzon, Visayas, at kanlurang Mindanao.

Posible ring makaranas ng pagbaha at landslide sa mga lugar na makararanas ng malakas at tuloy-tuloy na ulan.

Sinabi rin na kahit may hanging habagat na, kailangan pa ring maabot ang limang araw na rainfall threshold sa karamihan ng 13 monitoring stations sa western Luzon bago opisyal na ideklara ang simula ng tag-ulan.

Karaniwang nagsisimula ang tag-ulan sa kanlurang bahagi ng bansa mula Mayo 27 hanggang Hunyo 5. RNT/MND

LEAVE A REPLY

Please enter your comment!
Please enter your name here